“Mga bata pa kayo. Pag pinaniwalaan namin kayong hindi kayo naglaro ng tubig kahit na basang-basa ang mga damit ninyo, kayo ang niloloko namin. Hindi kayo ang nakakapanloko.”
Bob Ong“Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras.”
Bob Ong“Hikayatin mo lahat ng kakilala mo na magkaroon ng kahit isa man lang paboritong libro sa buhay nila. Dahil wala nang mas kawawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa.”
Bob Ong“Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utakpara alagaan ang sarili mo.”
Bob Ong“Kung matatakot kang harapin ang totoo at sabihin ang talagang nararamdaman mo dahil baka masaktan ka, isa lang ibig sabihin noon: ipinagkait mo na sa sarili mo ang pagiging masaya at kinarir mo ang magpakatanga.”
Bob Ong“Makakapili ka ng lugar na uupuan mo, pero hindi mo mapipili ang taong uupo sa puwang sa tabi mo... Ganyan ang senaryo sa bus. Ganyan din sa pag-ibig... Lalong 'di mo kontrolado kung kelan siya bababa.”
Bob Ong“Mga bata pa kayo. Pag pinaniwalaan namin kayong hindi kayo naglaro ng tubig kahit na basang-basa ang mga damit ninyo, kayo ang niloloko namin. Hindi kayo ang nakakapanloko.”
Bob Ong, Macarthur“hindi dahil sa hindi mo naiintindihan ang isang bagay ay kasinungalingan na ito. at hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan. ”
Bob Ong, Ang Paboritong Libro ni Hudas