Enjoy the best quotes on Pag ibig , Explore, save & share top quotes on Pag ibig .
“Me quota ang pag-ibig. Sa bawat limang umiibig, isa lang ang magiging maligaya. Ang iba, iibig sa di sila iniibig. Iibig nang di natututo. O iibig sa wala. O di iibig kailanman.”
Ricky Lee“Kung matatakot kang harapin ang totoo at sabihin ang talagang nararamdaman mo dahil baka masaktan ka, isa lang ibig sabihin noon: ipinagkait mo na sa sarili mo ang pagiging masaya at kinarir mo ang magpakatanga.”
Bob Ong“Makakapili ka ng lugar na uupuan mo, pero hindi mo mapipili ang taong uupo sa puwang sa tabi mo... Ganyan ang senaryo sa bus. Ganyan din sa pag-ibig... Lalong 'di mo kontrolado kung kelan siya bababa.”
Bob Ong“Ang great love mo, hindi mo makakatuluyan. Ang makakatuluyan mo ay yung correct love.”
Ricky Lee, Para Kay B“Mga bata pa kayo. Pag pinaniwalaan namin kayong hindi kayo naglaro ng tubig kahit na basang-basa ang mga damit ninyo, kayo ang niloloko namin. Hindi kayo ang nakakapanloko.”
Bob Ong, Macarthur